Discussion Transcript
BARANGAY COMMONWEALTH
HALL
Q&A : W/ KUYA LINDON ENCARNADO, BCDRRM TEAM
1. Hazard Identification(Pagtukoy ng mga Bantang
Panganib)
Batay sa inyong naalala, Ano-ano ang
mga kalamidad/hazards na tumama sa ating
barangay? Ikwento.
·
Nariyan
ang bagyo, habagat, lindol at baha - Isa sa kalamidad na tumama dito sa
Barangay Commonwealth, ay sa lugar ng Lower Bayanihan. Noong August, taong
2012. Sa aking pagkaka alala, walang tigil ang ulan dala ng Habagat. Nag sentro
kasi ang epek ng habagat nayan dito sa Metro Manila, kaya hindi na nakalampas
sa landslide ang area nayan ng Lower Bayanihan. Siyam kaagad ang namatay dyan,
halos 6 na oras ang paghuhukay sa mga natabunan. Kasabay yan ng Typhoon Haikui
noong araw.
·
Noong 2013
rin, malawakan baha, lampas tao ang
tumama rin sa may Upper Nawasa, Brgy. Commonwealth. Dulot din ito ng malakas na
ulan. Naging parang “river” yung lugar. Ang nakakapag taka, hindi naman panahon
ng tag-ulan kasi Marso nangyari yun. Tag-init siya. Dahil naman yan sa tambak ng basura na nag
ba-block sa drainage.
Kuya Lindon: 00:00
Meron po kaming mapa
dyan ng buong Commonwealth na nakalagay dyan na yung lahat ng mga disaster,
tulad ng nakalagay dyan na Base 7 na area ng Commonwealth na talagang binabaha.
Tapos yung Base I, yun po yung meron silang landslide prone area na pati po sa
city, naka alerto na kapag may landslide, yan na po yung area na
re-respondihan. Kasi ang mga lupa dyan ay matarik at yung lupa po, pababa po,
kaya talagang landslide prone area po. Naglagay na po ang city doon na
“landslide prone area “ po ang mga lugar na yon. Yung sa Base 7 naman po, yan
yung talagang flooded area, kasi po ang mga drainage doon, maliliit lang ang
butas. Kaya kapag malakas ang ulan, mahirap dumaloy kaya mabilis umakyat ang
tubig.
Ano ang iba pang mga panganib na
nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan?
·
Dahil sa
mga kalamidad na yan, pinakamatindi syempre ay yung may mga nangamatay tulad
dun sa pag guho ng lupa doon sa Lower Bayanihan. Natabunan ng landslide ang
bahay nila, kung kaya’t anim(6) na oras pang hinukay yun. Mga 6-7 ang namatay
na miyembro ng magpapamilya ang nasawi.
·
Isa pang
panganib na nakaka epekto ng matindi sa mga tao e yung pagkakasakit. Di ba
kalimitang sakit dulot ng baha ay yung leptospirosis?
·
Tsaka
syempre yung pagka gutom lalo na kung na “ta-trap” ang mga tao ng ilang oras sa
isang sakuna.
Paano nalalaman na may parating na
bantang sakuna? (maaring siyentipiko at/o lokal na palatandaan at babala) 04:27
·
Kapag
landslide, tulad nung nangyari sa Lower Bicutan, gumagalaw kasi o umuuga yung
mga puno. At tsaka lagi nakatutok sap ag monitor sa Philvocs.
·
Kapag
naman mga bagyo, meron naman tayong tinatawag na PAG-ASA. Isa itong ahensya ng
gobyerno na nag sasapubliko kung gaano magiging kalakas ang bagyong
darating. Kung saan ang magiging sentro
nito at mga lugar na daraanan ng padating na bagyo. Nagbibigay din sila ng
babala kung kinakailangang ilikas ang mga tao sa mga lugar na maaaring mapangyarihan
ng panganib.
·
Kapag mga
baha naman, nagbibigay kami ng mga tinatawag na “warning signal o system na
binibigay ng mga kagawad sa kanilang sinasakupang lugar.
·
Nakabantay
kami sa news;
·
Kailangan
active kami with Quezon City Rescue, nagbibigayan po kami ng info;
·
Bawat
barangay, naka update naman po sa city;
Gaano kadalas ito nangyayari sa inyong pamayanan?
·
Sa awa
naman ng Diyos, hindi naman ganun kadalas, yung mga baha na matindi, siguro may
mga ikaapat nan a nangyari iyan. Yun naming Ondoy, minsan lang at parang hindi
pa naman naulit dito sa ating lugar ulit. Hindi tulad sa mga probinsya na halos
bwan bwan ata e may bagyo.
2.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment
Kung tumama ang nasabing panganib sa ating lugar, saan ang may pinakamatindi
ang mapipinsala? Tukuyin ang ilang mga lugar. Bakit kaya ang mga lugar na ito
ang may pinakamatindi ang pinsala? 04:56
· Ayon
sa mga pinag aaralan ng ating mga eksperto, tulad ng mga taga PAG-ASA at
PHILVOCS, ito ang mga lugar na nasasabing pinakamatindi ang epekto kung sakaling
may tumama na kalamidad sa ating lugar. Ito ang tinatawag naming na mga
‘Hotspots” sa flooding at earthquake :
o
Earthquake Hotspots
§ Batasan
Hills , Bagong Silangan , Payatas , Matandang Balara , and Commonwealth
§ Magiging
matindi ang pinsala sa mga lugar na yan dahil sa ang Valley fault System ay
bumabagtas sa Metro Manila. Yan ay sa
“eastern part ng Metro Manila, kasama ang Quezon City.
· Pero
sa ngayon, ang pinaka binabantayan naming , lalo na dun sa tintawag nating “The
Big One,” e yung MRB o medium rise building, kasi delikado na talaga yung
building nay un ayon sa ating city engineer. Almost 5 years na na condemned na
yung building. 36 buildings lahat yun, marami talagang nakatira doon.
Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong
panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan? 06:05
· Market
· ICS- Incident Command System, structure na
sinusunod para sa lahat ng klasing disaster
Saan ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na
dumating?
· 07:29
· May handang evacuation sa lahat ng area
Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib
na dumating? 08:04
· MRB – puro crack na yung building
· Alam ng mga tao ang panganib pero ayaw nila
umalis dahil malayo daw ang relocation, malayo daw sa kabihasnan, liblib na
lugar. Tsaka may bayad na daw..
Ano-ano ang suliranin/problema na
kinakaharap ng pamayanan at barangay na humahadlang sa pag-unlad ng tao at
pamayanan at pumipigil sa pagbangon ng pagkasalanta sa mga kalamidad? 09:56
· Katulad na halimbawang nasunugan, problema ag
kanilang titirahan, pinapalipat na sila sa relocation, kaso lang nga ayaw nila.
Yung pagtanggi ng mga tao sa paglipat, yan ang nagiging malaking suliranin ng
barangay.
3.
Capacity and Disaster Management Assessment
a.
Ano-ano ang ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda-pagiwas at kung
sakaling may mga bantang panganib
tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating? 10:59
· May Yearly training kami. Tulad ng sa fire
department, may monthly fire training naman.
Kaya lang katagalan, nawawala na din yung mga nag training. Kasi
naghahanap din sila ng trabaho. Ngayon kapag naging busy na sila, hahanap na
naman ng iba. Volunteers kasi sila e. Kaya yearly, nag ka-conduct kami ng
training.
b.
Ano ang nilalaman ng plano ng Barangay pagdating ng sakuna?(kung kaya hingin o
hiramin ang BDRRM Plan, Hazard and Safety Map if they have, Barangay Projects
for different sectors like Youth, Women, Children, Elderly, Poor, PWD etc.) 12:30
· Naka coordinate kami sa mga ibang rescue
groups. Katulad ng kapag dito sa atin may sakuna, tutulong yung iba. Kamukha
din ng pagtulong naming sa iba, kung sakaling sa kanila naman may sakuna. Kung
bag, tulungan na lang.
c.
Sa kasalukuyan, anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang
barangay na makakatulong sa mga tao , serbisyo at kabuhayan na maka-recover o
makabangon mula sa epekto ng kalamidad?Isa-isahin natin. 13:39
· Urban farming – tinuturuan natin ang ating
mga kababayan na magtanim, at
· Bawas at paghihiwalay ng mga basura.
Comments
Post a Comment